Sunday, October 5, 2014

Unang Tala

Eto na, ginawa ko na. Ang aking unang blog na tagalog o pilipino. Ah, ang sarap gamitin ng sariling wika, ang kinalakihan at kinasanayan. Napakadali, sige sulat lang o "pindot" lang sa keyboard (ano nga ba ito sa pilipino). Teka muna, nabago na pala kahahanap ko lang sa google, "Filipino" na pala ang dapat gamitin. Hindi ko ito nabalitaan. Una "Tagalog", naging "Pilipino", tapos ngayon "Filipino" na pala. Dapat pala palitan ko ang pamagat ng blog. Isang letra lang. Hahayaan ko ba? Baka magbago muli, baka bumalik sa Pilipino. Pansamantala, di ko muna papalitan.

Bakit ko nga ba ginawa ang blog na ito? Madali kasi. Madali kong naitatala ang mga naiisip ko, Kahit anong gusto kong ilagay dito madali kong magagawa. Kung ano ang aking maisip, tuloy-tuloy lang at simple. Magtatanong, maghahayag, magkukuwento at kung ano-ano pa.

Sige, hanggang dito na lng muna. Salamat po.

No comments:

Post a Comment