Nakaharap na naman ako sa makinang ito upang gumawa ng ikalawang tala. Ano nga ba sa Filipino ang "computer"? Sa sarili kong kahulugan, ito ay makina na marunong mag-kwenta kaya pwede rin itong tawagin na "taga-kwenta". Teka, paano na 'yung "calculator"? Taga-kalkula? He he he ....
Pwede rin seguro gawin nating, "Pinuno ng mga taga-kwenta". Masyadong mahaba, kung iisipin, napakaraming nagagawa ang makinang ito. Kaya mahirap ilagay sa isang salita ang kanyang mga kayang gawin. Sa ngayon, "kompyuter" na lang muna.
Noong nasa elementarya pa lamang ako, naisip ko, wala yata sa tamang pagka sunod-sunod ang mga asignatura o "subjects". Sabay-sabay pinag-aaralan ang Filipino, English, Math, Science at iba pa. Paano mo maiintindihan ang Math at Science na itinuturo sa english, samantalang nagsisimula pa lang din ang pagturo sa English? Hindi kaya dapat mauna ang English at wala munang Math, Science at iba pa na madaling ituro sa wikang english. Kapag sapat na ang naituro para makaintindi ng simpleng english, ay saka lamang uumpishan ang asignaturang katulad ng Math at Science. O kaya ay ganito; turuan muna ang mga guro kung papaano nila ipapaliwanag sa Filipino ang Math at Science. May nabalitaan akong gumagawa nito. Mas maganda sana kung mangyari sa lahat ng paaralan sa Pilipinas. Mas madaling mauunawaan ng mga mag-aaral at malamang tataas pa ang mga grado nila. Maidagdag ko lang sa una kong suhestiyon, kung iisipin ng iba na hahaba ang panahon na ilalagi sa paaralan, dahil ihuhuli ang katulad ng Math at Science, hindi po. Kung madali nilang mauunawaan ang isang asignatura, mas iikli ang panahaon na kakailanganin. Kung dati ay isang taon, baka kalahati lang o mas maikli pa ay sapat na.
Sa isang banda, sa panahon ngayon ng internet, tablet, smartphones, search engines at youtube, posible na ang hindi pumasok sa eskwela. Pero kung laro at facebook lang ang aatupagin, sayang na kompyuter...
Dudugtungan ko pa sa susunod na tala....
No comments:
Post a Comment